Naggising ako sa marahang katok ng ulan sa bintana
Ito lang marahil ang paggising na hindi ko kaiinisan
naputol ang tulog ko, ang panaginip ko,
dahil sa ulan--
Pero dumilat akong may kislap sa mga mata,
may ngiti sa mga labi na hndi pinilit,
bagkus kusa.
Pagkatapos dumating ka.
Napatayo ako nang marinig kita
Sa labas ng bahay nandoon ka--
Sakay ng motorsiklo mong gumigising sa espaltong basa.
Nandoon ka... Pero hindi ka bumaba.
Nanatili kang sakay ng motor.
Tanaw ko ang damit mong basa sa ulan,
Ang sapatos mong balot ng putik,
At ang mukha mong basa ng tubig at luha.
Naghalo
Pero hindi maitago.
Kitang kita ko, mula sa bintana,
Ang hirap mo.
Pero hindi ka nagsalita.
Hindi ka kumatok.
Umalis ka lang...
Pinaharurot ang motorsiklo,
Tumalsik ang tubig pa-kaliwa at kanan,
Bumaba ako para buksan ka
Para lang salubungin ng iniwan mong usok.
Hindi ko naintindihan.
Ginising ako ng ulan,
At hindi mo ako pinatulog.
Nandito lang ako-
Ibinulong kasabay ng patak ng ulan.
Ikaw ang pag-ibig na kailanma'y hindi ko kapapaguran.
Ikaw ang katok na parati kong pagbubuksan.
Ikaw ang ulan na darating at aalis,
At laging hihintayin.
Ikaw ang tawag na sasalubungin ng nangingislap na mata, matatamis na ngiti, parati
Nandito lang ako umaraw man o umulan,
Nakatanaw sa'yo
Nakaabang sa pagbalik mo
Sa panahong handa ka nang kumatok muli.
Nandito lang ako.
Monday, March 25, 2019
Pauwi na
"May nakilala kasi ako..." sabi mo habang naglalakad.
Araw-araw ganito tayo. Tatlumpung minuto nating binabaybay ang Ayala papuntang terminal ng UV Express. Ako ba-byahe papuntang Maynila, ikaw pa-Antipolo. Tatlumpung minutong minsa'y tahimik, minsa'y maingay. Ngunit lagi, may kwento.
"May kwento ako..."
'Yan madalas ang bungad ko. Waring humihingi ng pahintulot bago tumuloy. Matagal na tayong magkaibigan. Kung bibilangin ang taon, humigit-kumulang tatlong taon na. Pero hindi ko pa rin magawang mag-kwento lang basta. Pakiramdam ko, wala tayo sa ganoong antas.
"Heto na naman tayo..."
Madalas mong angal. Lagi-lagi, sasagutin ko ito ng,
"Sige na, makinig ka lang. Kahit h'wag ka nang magsalita."
At lagi-lagi, kukunot ang iyong noo pagkatapos ay tatango, parang susuko at sasabihing,
"Oo na, sige na."
Kapag narinig ko na ang pagpayag mo, katulad ko ang isang batang ibinili ng lobo sa labas ng simbahan. Sabik at walang pagsidlan ng tuwa.
Hindi ko alam kung bakit o ano, basta may taglay kang bagay na parang nagbubukas saakin sa mundo. Na parang, nakapagpapalaya ng loob. Kumportable akong maging ako sa tabi mo. Pero aaminin ko, hindi pa sapat upang maging buong ako.
Pakiramdam ko'y, gano'n ka rin. Bawat istorya na inilalahad mo ay parang may kulang. Kumpleto ang detalye: kung saan ka namasyal, sinong kasama mo, anong ginawa mo. Ang nalilimutan mo lang banggitin ay kung ano ang naging pakiramdam mo sa mga oras na iyon.
Hindi mo na kailangang sabihin, ramdam ko naman. Kumportable kang maging ikaw... Ngunit hindi rin ito sapat para maging buong ikaw.
Marahil, wala tayo sa ganoong antas.
Lumipat sa kulay berde ang kanina'y pula. Senyales na pwede na tayong tumawid sa kabilang kalsada.
"Tara, bilis!" sabi ng lalaki sa mga kaibigan niya sa tabi mo. Nagmamadali, kahit marami-rami pa naman ang oras.
Tayo, dahan-dahan lang... Lumipat ka sa kaliwa ko, kung saan mas malapit sa sasakyan. Ganito ka lagi. Hindi mo man hawakan ang kamay ko, kita ko sa kilos mong inaalalayan mo ako.
May ilang segundong katahimikan. Hanggang sa sabi mo, "may nakilala kasi ako..."
Kakaiba ang tono ng boses mo. May tuwa, ngunit may kaunting hiya.
"Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa'yo 'to," sabi mo sabay kamot sa ulo.
Ang dami mong paligoy-ligoy, maingat na hinahabi ang bawat salita. Naisip ko, baka magpapakawala ka ng isang sikreto. At hindi ko alam kung handa ba akong malaman ito.
Ngunit, hinintay ko ang sunod mong sasabihin.
"May nakilala ako at sobrang tugma kami," sabi mo habang pinaglalapat ang dalawang kamay, akmang magdarasal.
"Kinikilala pa namin ang isa't isa... Pero alam mo iyon?" tumigil kang saglit, lumikot ang mga daliri na parang may hinahanap.
"Sobrang swak kami." / "magkasundo kayo?"
"Oo!"
Daig mo ang paslit na ibinili ng lobo sa labas ng simbahan. Ikaw ay tagtuyong lupa sa unang araw ng tag-ulan. Kakaiba ang ngiti mo. Mas malaki, mas totoo.
Noong mga sandaling iyon, napatunayan ko: totoo ngang ngumingiti ang mga mata. Nakita ko mismo sa'yo habang ikinukuwento mo siya.
Iyon rin ang unang beses na hinayaan mong ipakita ang sarili mong hubad. Inilahad mo, maski liku-liko, ang buong kwento. Lahat ng ano, sino, paano, kailan, pati ang pakiramdam. Ipinakita mo saakin kung ano ang epekto niya.
"Masaya ako para sa'yo." sambit ko bigla-bigla. Sobrang bilis kong nabitawan ang mga salita, hindi ko na nasiguro kung totoo ito.
Binilisan ko ang lakad... at binilisan pang lalo...
Nagpaalam tayo sa isa't isa nang marating natin ang terminal. Ako pa-Maynila, ikaw pa-Antipolo. Ganito tayo araw-araw. Tatlumpung minutong minsa'y tahimik, minsa'y maingay, at laging may kwento. Ngunit ngayon, tapos na.

Subscribe to:
Comments (Atom)